Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehoiakim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ipinakikita ng hula ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremias (22:18, 19; 36:30) na hindi tatanggap si Jehoiakim ng isang disenteng libing; ang bangkay niya ay maiiwang di-naaasikaso sa labas ng mga pintuang-daan ng Jerusalem, na nakalantad sa init ng araw sa maghapon at sa matinding lamig sa gabi. Hindi isiniwalat kung paano ‘ibinigay sa kamay ni Nabucodonosor’ si Jehoiakim. (Dan 1:2) Iyon ay maaaring sa diwa ng pagkamatay niya habang nasa pagkubkob at ng paghayo ng kaniyang mga anak sa pagkabihag pagkatapos nito, anupat dinanas ng angkan ni Jehoiakim ang pagkawala ng pagkahari sa mga kamay ni Nabucodonosor. Walang paraan upang matiyak ang tradisyong Judio (na iniulat ni Josephus) na pinatay ni Nabucodonosor si Jehoiakim at ipinag-utos na itapon ang bangkay nito sa labas ng mga pader ng Jerusalem. (Jewish Antiquities, X, 97 [vi, 3])

  • Jehoiakim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Matapos sumuko ang anak ni Jehoiakim na si Jehoiakin, itinaas ni Nabucodonosor ang tiyo ni Jehoiakin na si Zedekias sa trono ng Juda. (2Cr 36:9, 10) Tinupad nito ang hula ni Jeremias na si Jehoiakim ay hindi magkakaroon ng sinumang uupo sa trono ni David. (Jer 36:30) Ang anak ni Jehoiakim na si Jehoiakin ay namahala nang tatlong buwan at sampung araw lamang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share