-
BelsasarKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Totoo na sa opisyal na mga inskripsiyon, ang titulong ibinibigay kay Belsasar ay “tagapagmanang prinsipe,” samantalang sa aklat ng Daniel, ang kaniyang titulo ay “hari.” (Dan 5:1-30) Ipinahihiwatig ng isang tuklas sa arkeolohiya sa hilagang Sirya kung ano ang posibleng dahilan. Noong 1979, nahukay ang isang sinlaki-ng-taong estatuwa ng isang tagapamahala ng sinaunang Gozan. Sa laylayan nito ay may dalawang inskripsiyon, ang isa ay sa wikang Asiryano at ang isa naman ay sa wikang Aramaiko—ang wikang ginamit sa ulat ng Daniel tungkol kay Belsasar. Ang dalawang inskripsiyon na halos magkatulad ay may isang katangi-tanging pagkakaiba. Ang teksto sa wikang Asiryano ng imperyo ay nagsasabing iyon ay estatuwa ng “gobernador ng Gozan.” Inilalarawan naman siya ng teksto sa Aramaiko, ang wika ng lokal na mga tao, bilang “hari.”
Kaya naman sumulat ang arkeologo at iskolar sa wika na si Alan Millard: “Kaayon ng mga impormasyong Babiloniko at ng mga bagong teksto tungkol sa estatuwang ito, maaaring itinuturing na angkop para sa gayong di-opisyal na mga rekord gaya ng Aklat ng Daniel na tawaging ‘hari’ si Belsasar. Gumanap siya bilang hari, ang kinatawan ng kaniyang ama, bagaman hindi siya ang legal na hari. Ang eksaktong pagkakaiba nila ay hindi na mahalagang ipakita at baka makalito lamang sa kuwento na inilahad sa Daniel.”—Biblical Archaeology Review, Mayo/Hunyo 1985, p. 77.
-
-
BelsasarKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Noong gabi ng Oktubre 5, 539 B.C.E. (kalendaryong Gregorian, o Oktubre 11, kalendaryong Julian), nagdaos si Belsasar ng isang malaking piging para sa isang libo sa kaniyang mga taong mahal, gaya ng inilalahad sa kabanata 5 ng Daniel. (Dan 5:1) Ang Babilonya ay pinagbabantaan noon ng nangungubkob na mga hukbo ni Ciro na Persiano at ng kaalyado nito na si Dario na Medo. Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus (na sumipi naman sa Babilonyong si Berossus), nagtago si Nabonido sa Borsippa pagkatapos siyang matalo ng mga hukbong Medo-Persiano sa pagbabaka. (Against Apion, I, 150-152 [20]) Kung gayon nga, si Belsasar ang gumaganap na hari sa mismong Babilonya. Hindi naman kakatwa ang pagdaraos ng isang piging samantalang kinukubkob ang lunsod kung tatandaan na may-kapanatagang itinuring ng mga Babilonyo na di-maigugupo ang mga pader ng lunsod. Sinabi rin ng mga istoryador na sina Herodotus at Xenophon na ang lunsod ay may saganang suplay ng mga bagay na kailangan kung kaya hindi ito nababahala na magkakaroon doon ng kakapusan. Ayon kay Herodotus, ang lunsod ay nagpipiging noong gabing iyon, na may sayawan at kasayahan.
-