Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hayop, Makasagisag na mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa dalawang pangitain, ang ikaapat na bahagi, o “kaharian,” ay pinagtuunan ng pantanging pansin, kinakitaan ng pinakamasalimuot na anyo at bagong mga sangkap o bahagi, at patuloy na umiral hanggang sa panahong lapatan ito ng kahatulan ng Diyos dahil sa pagsalansang sa Kaniyang pamamahala.

  • Hayop, Makasagisag na mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • at ang pang-apat na mabangis na hayop na walang kawangis na tunay na hayop, anupat di-pangkaraniwan ang lakas nito at mayroon itong malalaking ngiping bakal, sampung sungay, at isa pang sungay na may mga mata at isang “bibig na nagsasalita ng mararangyang bagay.” Ang kalakhang bahagi ng kabanata ay tungkol sa ikaapat na hayop at sa di-pangkaraniwang sungay nito. Bagaman “kakaiba” ang bawat hayop, ang ikaapat na hayop ang pinakakakaiba sa lahat.​—Dan 7:3-8, 11, 12, 15-26.

  • Hayop, Makasagisag na mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang maglaon, ang Imperyo ng Gresya ay lubusang nasakop ng Roma. Nahigitan ng Imperyo ng Roma ang lahat ng naunang mga imperyo hindi lamang sa lawak ng nasasakupan nito (na sumaklaw sa buong lugar ng Mediteraneo at nang dakong huli ay umabot sa British Isles) kundi pati sa kahusayan ng puwersang militar nito at sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng batas Romano sa mga probinsiya ng malawak na imperyo nito. Sabihin pa, ang Roma ang pulitikal na instrumentong ginamit sa pagpatay sa Mesiyas, si Kristo Jesus, at gayundin sa pag-uusig sa sinaunang kongregasyong Kristiyano. Pagkatapos, tumagal pa ang imperyo nang halos isang libong taon sa iba’t ibang anyo ngunit nang maglaon ay nahati-hati ito sa maraming bansa, hanggang nang dakong huli ay nangibabaw ang Britanya.

      Ganito ang kapansin-pansing obserbasyon ng istoryador na si H. G. Wells tungkol sa kung bakit natatangi ang Imperyo ng Roma: “Ang bagong Romanong kapangyarihang ito na bumangon upang mangibabaw sa kanluraning daigdig noong ikalawa at unang siglo B.C. ay naiiba sa ilang kaparaanan mula sa mga nagdaang malalaking imperyo na nanaig sa sibilisadong daigdig. Sa pasimula ay hindi ito monarkiya, at hindi ito itinatag ng iisang dakilang manlulupig. . . . Ito ang unang republikanong imperyo na hindi naglaho kundi nagpabagu-bago ng anyo. . . . Kaunti lamang ang populasyon nitong Hamita at Semita kung ihahambing sa mga naunang imperyo. . . . Noong panahong iyon ay isa itong bagong kalakaran sa kasaysayan, isa itong pinalawak na republikang Aryano. . . . Palagi itong nagbabago. Hindi ito kailanman naging permanente. Masasabing nabigo ang eksperimento [sa pamamahala]. Masasabi ring hindi pa tapos ang eksperimento, at hanggang sa ngayon ay sinisikap pa ring lutasin ng Europa at Amerika ang mga suliranin ng pandaigdig na pamamahala na unang napaharap sa mga Romano.”​—The Pocket History of the World, 1943, p. 149-151.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share