-
AlejandroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bukod diyan ay nakasulat: “At nang mabali ang isang iyon, anupat may apat na sa kalaunan ay tumayong kahalili nito, may apat na kaharian mula sa kaniyang bansa na tatayo, ngunit hindi taglay ang kaniyang kapangyarihan.” (Dan 8:22) Samakatuwid, hindi lamang nagkataon na ang imperyo ay nahati-hati sa apat na heneral ni Alejandro: si Seleucus Nicator ang kumuha sa Mesopotamia at Sirya; si Cassander, sa Macedonia at Gresya; si Ptolemy Lagus, sa Ehipto at Palestina; at si Lysimachus, sa Tracia at Asia Minor.
-