-
AmosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
AMOS
[Isang Pasan; Nagdadala ng Pasan].
1. Isang propeta ni Jehova at manunulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan; nabuhay siya noong ikasiyam na siglo B.C.E. (Tingnan ang AMOS, AKLAT NG.) Gayunman, hindi siya ipinanganak bilang anak ng propeta, ni isa man sa “mga anak ng mga propeta.”—1Ha 20:35; 2Ha 2:3; 4:1; Am 7:14.
Siya ay nakatira sa bayan ng Tekoa, na mga 16 na km (10 mi) sa T ng Jerusalem at may taas na mga 820 m (2,700 piye). Sa gawing S naman, pababa sa Dagat na Patay nang mga 1,200 m (4,000 piye), ay matatagpuan ang mapanglaw na ilang ng Juda, kung saan nagtrabaho ang propeta, noong maagang bahagi ng kaniyang buhay, bilang isang hamak na tagapag-alaga ng tupa. (Am 1:1) Ang salitang Hebreo na no·qedhimʹ na isinalin sa Amos 1:1 bilang “mga tagapag-alaga ng tupa” ay matatagpuan din sa iisa lamang talata sa Bibliya. (2Ha 3:4) Nauugnay ito sa naqqad, ang salitang Arabe para sa isang pantanging lahi ng tupa, na hindi gaanong maganda ngunit itinuturing na mahalaga dahil sa balahibo nito.
-
-
AmosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sinimulan ni Amos ang kaniyang gawain bilang isang propeta dalawang taon bago naganap ang malakas na lindol noong panahon ng paghahari ni Uzias na hari ng Juda. Nang panahong iyon, si Jeroboam II na anak ni Joas ang hari ng Israel. (Am 1:1) Samakatuwid, ang panghuhula ni Amos ay naganap sa loob ng yugto ng 26 na taon mula 829 hanggang mga 804 B.C.E., noong magpang-abot ang mga paghahari ng dalawang haring ito ng Juda at ng Israel. Ang lindol na naganap dalawang taon matapos atasan si Amos na maging isang propeta ay napakalakas anupat halos 300 taon pagkaraan nito ay espesipiko itong binanggit ni Zacarias.—Zac 14:5.
-
-
AmosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Iniulat nina Jerome at Eusebius na ang puntod ng propeta ay nasa Tekoa noong mga araw nila. Lumilitaw rin na pagkabalik ni Amos sa Juda, isinulat niya ang kaniyang mga hula, na inihatid niya nang bibigan noong una.
-
-
Amos, Aklat ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
AMOS, AKLAT NG
Ang hula ng Hebreong aklat na ito ng Bibliya ay pangunahin nang ipinatungkol sa hilagang kaharian ng Israel. Lumilitaw na inihatid muna ito nang bibigan noong panahon ng mga paghahari nina Jeroboam II at Uzias, mga hari ng Israel at ng Juda, na ang mga yugto ng paghahari ay nagpang-abot sa pagitan ng 829 at mga 804 B.C.E. (Am 1:1)
-