Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Kampanilya”
  • Kampanilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kampanilya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-aalay, banal na tanda ng
    Glosari
  • Ang “Umaawit na Tore” ng Australia
    Gumising!—1996
  • B5 Tabernakulo at Mataas na Saserdote
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • B5 Tabernakulo at Mataas na Saserdote
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Kampanilya”

KAMPANILYA

Isang hungkag na kagamitang metal. Kadalasan na, ang instrumentong ito ay hugis-peras o tulad-tasa, at kumukuliling kapag nagalaw.

Unang binanggit sa Bibliya ang mga kampanilya may kaugnayan sa paglilingkod sa templo sa aklat ng Exodo, kung saan pitong ulit na lumilitaw ang salitang Hebreo na pa·ʽamohnʹ. Ang laylayan ng purong asul na damit ng mataas na saserdote ay kinabitan ng ginintuang mga kampanilya na may kasalitang mga granada na yari naman sa materyales na asul, purpura, at iskarlata.​—Exo 28:33-35; 39:25, 26.

Sa Zacarias 14:20, ang salitang Hebreo na metsil·lahʹ ay ginamit upang tumukoy sa mga kampanilyang nakakabit sa mga guwarnisyon ng mga kabayo. Nagmula ito sa isang salitang-ugat na nangangahulugang ‘mangilabot.’ (1Sa 3:11) Ang mga kampanilyang iyon ng mga kabayo ay lililukan ng mga salitang “Ang kabanalan ay kay Jehova,” na kagaya ng mga salitang makikita sa “kumikinang na lamina” na nakakabit sa turbante ng mataas na saserdote ng Israel, anupat ipinahihiwatig nito na ang lahat ng bagay ay magkakaroon ng kabatiran hinggil sa kabanalan ni Jehova.​—Exo 39:30, 31; ihambing ang Zac 14:21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share