Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Diborsyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ano ang tanging maka-Kasulatang saligan ng diborsiyo para sa mga Kristiyano?

      Sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesu-Kristo: “Bukod diyan ay sinabi, ‘Sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, bigyan niya ito ng isang kasulatan ng diborsiyo.’ Gayunman, sinasabi ko sa inyo na ang bawat isa na dumidiborsiyo sa kaniyang asawang babae, malibang dahil sa pakikiapid, ay nagpapangyaring malantad siya sa pangangalunya, at ang sinumang mag-asawa ng isang babaing diniborsiyo ay nangangalunya.” (Mat 5:31, 32) Gayundin, pagkatapos sabihin sa mga Pariseo na ang pagbibigay-laya ng Kautusang Mosaiko na madiborsiyo nila ang kani-kanilang asawa ay hindi ang kaayusan “mula sa pasimula,” sinabi ni Jesus: “Sinasabi ko sa inyo na ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, maliban sa saligan ng pakikiapid, at mag-asawa ng iba ay nangangalunya.” (Mat 19:8, 9) Sa ngayon ay kinikilala ng karamihan na magkaiba ang “mga mapakiapid” at ang “mga mangangalunya.” Ayon sa makabagong paggamit, ang mga nagkakasala ng pakikiapid ay mga taong walang asawa na kusang-loob na nakikipagtalik sa isang di-kasekso. Ang mga mangangalunya naman ay mga taong may asawa na kusang-loob na nakikipagtalik sa isang di-kasekso na hindi nila legal na asawa. Gayunman, gaya ng ipinakikita sa artikulong PAKIKIAPID, ang terminong “pakikiapid” ay isinalin mula sa salitang Griegong por·neiʹa at sumasaklaw sa lahat ng uri ng bawal na seksuwal na pagsisiping sa labas ng maka-Kasulatang pag-aasawa. Kaya naman, ang mga salita ni Jesus sa Mateo 5:32 at 19:9 ay nangangahulugan na ang tanging saligan ng diborsiyo na aktuwal na pumuputol sa buklod ng pag-aasawa ay ang paggawa ng por·neiʹa ng isa sa kanila. Batay sa probisyong ito, maaaring makipagdiborsiyo ang isang tagasunod ni Kristo kung nais niya, at sa gayong diborsiyo ay malaya na siyang mag-asawa ng isang Kristiyano na malaya ring mag-asawa.​—1Co 7:39.

      Ang imoral na mga gawain sa sekso sa pagitan ng isang taong may asawa at ng isang kasekso (homoseksuwalidad) ay marumi at kasuklam-suklam. Ang mga taong gumagawa nito at hindi nagsisisi ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos. At, sabihin pa, ang bestiyalidad ay hinahatulan ng Kasulatan. (Lev 18:22, 23; Ro 1:24-27; 1Co 6:9, 10) Ang napakaruruming gawaing ito ay saklaw ng malawak na terminong por·neiʹa. Kapansin-pansin din na sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang homoseksuwalidad at bestiyalidad ay hinahatulan ng parusang kamatayan, anupat nagiging malaya ang pinagkasalahang kabiyak upang muling makapag-asawa.​—Lev 20:13, 15, 16.

  • Diborsyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus na “ang bawat isa na dumidiborsiyo sa kaniyang asawang babae, malibang dahil sa pakikiapid, ay nagpapangyaring malantad siya sa pangangalunya, at ang sinumang mag-asawa ng isang babaing diniborsiyo ay nangangalunya.” (Mat 5:32) Sa ganitong paraan, ipinakita ni Kristo na kung didiborsiyuhin ng isang lalaki ang kaniyang asawa malibang dahil sa “pakikiapid” (por·neiʹa) nito, ilalantad niya ito sa pangangalunya. Iyan ay sapagkat sa gayong diborsiyo, ang di-nangalunyang asawang babae ay hindi nahiwalay sa kaniyang asawa sa tamang paraan at sa gayo’y hindi siya malayang mag-asawa sa ibang lalaki at makipagtalik dito. Nang sabihin ni Kristo na ang sinumang “mag-asawa ng isang babaing diniborsiyo ay nangangalunya,” ang tinutukoy niya ay isang babae na diniborsiyo sa ibang mga saligan at hindi “dahil sa pakikiapid” (por·neiʹa). Ang gayong babae, bagaman diniborsiyo sa legal na paraan, ay hindi diborsiyada sa maka-Kasulatang paraan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share