EL-BETHEL
[Ang Diyos ng Bethel].
Ang pangalang ibinigay ni Jacob sa lugar kung saan nagtayo siya ng altar bilang pagsunod sa utos ng Diyos. (Gen 35:1, 7) Ipinapalagay ng ilang iskolar na “Ang Diyos ng Bethel” ay malayong maging pangalan ng isang lokasyon, at sinasabi nila na sa Griegong Septuagint, Latin na Vulgate, Syriac na Peshitta, at mga bersiyong Arabe ay wala ang “El.” Gayunman, tandaan na ang lugar sa palibot ng Bethel ay punung-puno ng kahulugan para kay Jacob. Mahigit 20 taon bago nito, sa lugar na ito nagpakita ang Diyos kay Jacob sa isang panaginip, anupat nangakong ipagsasanggalang siya. Noong panahong iyon ay nasabi ng patriyarka, “Tunay na si Jehova ay nasa dakong ito.” (Gen 28:10-22) Dahil dito, nang pangalanan niya ang lugar ng altar, sa diwa ay sinasabi niya, ‘Ang Diyos ay nasa Bethel.’—Ihambing ang Gen 33:20.