-
PootKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang payo ni Jesus na ibigin ng isa ang kaniyang mga kaaway ay lubusang kasuwato ng diwa ng Hebreong Kasulatan. (Mat 5:44) Batid ng tapat na si Job na mali para sa kaniya ang makadama ng anumang pagsasaya dahil sa kapahamakan niyaong masidhing napopoot sa kaniya. (Job 31:29) Ipinag-utos ng Kautusang Mosaiko sa mga Israelita ang pananagutang sumaklolo sa ibang mga Israelita na maaaring itinuturing nila bilang kanilang mga kaaway. (Exo 23:4, 5) Sa halip na magsaya dahil sa kasakunaan ng kaaway, ang mga lingkod ng Diyos ay tinatagubilinan: “Kung ang napopoot sa iyo ay nagugutom, bigyan mo siya ng tinapay na makakain; at kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom.”—Kaw 24:17, 18; 25:21.
-
-
PootKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa kabaligtaran, pananagutan ng isang Kristiyano na ibigin ang kaniyang mga kaaway, samakatuwid nga, yaong mga gumagawa sa kanilang sarili na kaniyang personal na mga kaaway. Ang gayong pag-ibig (sa Gr., a·gaʹpe) ay hindi sentimentalidad, na nakasalig sa personal na pagkagiliw, gaya ng kadalasang ipinapalagay ng iba, kundi isang pag-ibig na nakasalig sa kusang-loob na pagsang-ayon ng kalooban dahil sa simulain, tungkulin, at dahil iyon ang wastong gawin, anupat taimtim na hinahangad ang ikabubuti ng iba ayon sa kung ano ang tama. Ang (pag-ibig na) a·gaʹpe ay nananaig sa personal na mga alitan, anupat hindi kailanman pinahihintulutan ang mga ito na maging dahilan upang iwan niya ang tamang mga simulain at gumanti. Kung tungkol naman sa mga sumasalansang sa kaniyang landasing Kristiyano at umuusig sa kaniya, anupat ginagawa iyon sa kawalang-alam, ipananalangin pa nga ng lingkod ng Diyos na mabuksan ang kanilang mga mata upang makita nila ang katotohanan may kinalaman sa Diyos at sa Kaniyang mga layunin.—Mat 5:44.
-