-
MesiyasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Maliwanag na inaasahan din ni Juan na Tagapagbautismo at ng kaniyang mga alagad na ang Mesiyas ay magiging isang makalupang hari. Alam ni Juan na si Jesus ang Mesiyas at ang Anak ng Diyos, yamang nakita niya nang pahiran ito ng banal na espiritu at narinig niya ang tinig ng Diyos na nagpahayag ng pagsang-ayon. Hindi nagkulang ng pananampalataya si Juan. (Mat 11:11) Kaya ang tanong niya na, “May iba pa ba kaming aasahan?” ay maaaring nangangahulugang, ‘May iba pa ba kaming aasahan na siyang tutupad sa lahat ng inaasahan ng mga Judio?’
-