Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Espiritismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Pinasinungalingan ang bulaang paratang ng mga Pariseo. Pagkatapos ng isa sa gayong mga pagpapagaling ni Jesus, ang kaniyang mga kaaway, ang mga Pariseo, ay nagparatang: “Hindi pinalalayas ng taong ito ang mga demonyo malibang sa pamamagitan ni Beelzebub, ang tagapamahala ng mga demonyo.”

  • Espiritismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mat 12:22-27.

  • Espiritismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mat 12:22-27.

      Napilitan ang mga Pariseo na amining kailangan ang kapangyarihang nakahihigit sa tao upang magpalayas ng mga demonyo. Subalit nais nilang hadlangan ang mga tao upang huwag maniwala kay Jesus. Kaya naman sinabi nilang nanggaling sa Diyablo ang kaniyang kapangyarihan.

  • Espiritismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kung totoo ang argumento ng mga Pariseo, na ang nagpapalayas ng mga demonyo ay gumagawa niyaon sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas, kung gayon ang kanilang sariling mga alagad ay kumikilos sa ilalim ng kapangyarihang ito, isang bagay na tiyak na hindi aaminin ng mga Pariseo. Sinabi ni Jesus na kung gayon, ang kanilang sariling “mga anak” ay mga hukom na humahatol sa kanila at sa kanilang argumento. Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: “Ngunit kung sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos ay pinalalayas ko ang mga demonyo, tunay ngang naabutan na kayo ng kaharian ng Diyos.”​—Mat 12:28.

      Sinusugan pa ni Jesus ang kaniyang argumento sa pagsasabing walang sinumang makapapasok sa bahay ng isang malakas na tao (si Satanas) upang agawin ang mga pag-aari nito malibang may kapangyarihan siyang gapusin ito. Ang bulaang paratang ng mga Pariseo ang dahilan kung bakit nagbabala si Jesus hinggil sa pagkakasala laban sa banal na espiritu, yamang nakapagpalayas si Jesus ng mga demonyo sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos, at sa pagsasalita nila laban sa gawaing ito, hindi lamang nagpahayag ng pagkapoot kay Jesus ang mga Pariseo kundi nagsalita rin sila laban sa malinaw na pagkilos ng banal na espiritu ng Diyos.​—Mat 12:29-32.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share