-
Pagbabagong-anyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang pagbabagong-anyo ay naganap sa isang bundok ilang panahon pagkaraan ng Paskuwa ng 32 C.E. ngunit bago ang huling paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem.
Bago maganap ang pagbabagong-anyo, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay nasa rehiyon ng Cesarea Filipos, ang makabagong-panahong nayon ng Banyas. (Mar 8:27) Malayong mangyari na lumayo pa si Kristo at ang kaniyang mga apostol sa rehiyong iyon noong magtungo sila sa “napakataas na bundok.” (Mar 9:2) Mula pa noong mga ikaapat na siglo C.E., kinikilala na ang Bundok Tabor bilang ang lugar ng pagbabagong-anyo, ngunit yamang ito ay mga 70 km (40 mi) sa TTK ng Cesarea Filipos, maliit ang tsansa na dito iyon naganap.—Tingnan ang TABOR Blg. 1.
Samantala, ang Bundok Hermon ay mga 25 km (15 mi) lamang sa HS ng Cesarea Filipos. Ito ay may taas na 2,814 na m (9,232 piye) mula sa kapantayan ng dagat anupat “isang napakataas na bundok.” (Mat 17:1) Kaya naman maaaring ang pagbabagong-anyo ay naganap sa isang tagaytay ng Bundok Hermon. Ito ang pangmalas ng maraming makabagong iskolar, bagaman hindi pa rin matiyak ang eksaktong lokasyon dahil hindi ito binanggit ng Bibliya.
Malamang na naganap sa gabi ang pagbabagong-anyo, sapagkat “nag-aagaw-tulog” noon ang mga apostol. (Luc 9:32) Mas magiging matingkad ang pangyayaring ito kung sa gabi magaganap, at talaga namang nagpalipas sila ng gabi sa bundok, sapagkat noong sumunod na araw pa sila bumaba. (Luc 9:37) Gayunman, hindi sinasabi ng Bibliya kung gaano katagal ang pagbabagong-anyo.