Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sisidlan na Naglalaman ng Kasulatan”
  • Sisidlan na Naglalaman ng Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sisidlan na Naglalaman ng Kasulatan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Pangharap na Pamigkis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isinumpa ni Jesus ang mga Sumasalansang sa Kaniya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Isinumpa ni Jesus ang mga Sumasalansang sa Kaniya
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sisidlan na Naglalaman ng Kasulatan”

SISIDLAN NA NAGLALAMAN NG KASULATAN

Isang maliit na sisidlang naglalaman ng apat na pagsipi sa Kautusan (Exo 13:1-10, 11-16; Deu 6:4-9; 11:13-21) at isinusuot ng mga lalaking Judio sa kanilang noo at kaliwang braso. Ganito ang sabi ng The Jewish Encyclopedia (1976, Tomo X, p. 21) tungkol sa kaugalian ng pagsusuot ng gayong mga sisidlan, o mga pilakterya: “Ang mga batas na may kaugnayan sa pagsusuot ng mga pilakterya ay ibinatay ng mga Rabbi sa apat na teksto ng Bibliya (Deu. vi. 8, Deu xi. 18; Exo. xiii. 9, 16). Bagaman inuunawa ng karamihan sa mga komentarista ang mga tekstong ito sa literal na paraan, . . . naniniwala ang mga Rabbi na tanging ang pangkalahatang batas ang nakasaad sa Bibliya, anupat ang pagkakapit at pagpapalawak nito ay depende na lamang sa tradisyon at panghihinuha.”

Hinatulan ni Kristo Jesus ang mga eskriba at mga Pariseo dahil “pinalalapad nila ang mga sisidlan na naglalaman ng kasulatan na isinusuot nila bilang pananggalang.” (Mat 23:5) Lumilitaw na pinalalapad nila ang mga sisidlang ito dahil nais nilang magbigay ng impresyon na sila’y napakasigasig at tapat sa Kautusan. Ipinakikita ng pananalita ni Jesus na itinuring ng mga relihiyosong lider ang mga sisidlang ito bilang pananggalang, o anting-anting. Sa katunayan, ang salitang Griego na phy·la·kteʹri·on ay pangunahing nangangahulugang himpilan, kuta, o pananggalang.​—Tingnan ang PANGHARAP NA PAMIGKIS.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share