Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Zacarias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Zacarias na anak ni Jehoiada ang malamang na nasa isip ni Jesus nang humuhula siya na “ang dugo ng lahat ng mga propeta na nabubo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan” ay sisingilin “sa salinlahing ito [ang mga Judio noong panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa], mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng bahay.” (Luc 11:50, 51) Ang mga lugar na binanggit na pinangyarihan ng pagpatay ay magkatugma. Noong unang siglo C.E., ang Mga Cronica ang huling aklat sa kanon ng Hebreong Kasulatan. Kaya ang pariralang sinabi ni Jesus, “mula kay Abel . . . hanggang kay Zacarias,” ay katulad ng ating pananalitang, “mula Genesis hanggang Apocalipsis.” Sa katulad na ulat sa Mateo 23:35, si Zacarias ay tinatawag na anak ni Barakias, posibleng isa pang pangalan ni Jehoiada, maliban na lamang kung tumutukoy ito sa isang salinlahi sa pagitan nina Jehoiada at Zacarias o kaya ay pangalan ng isang mas naunang ninuno.​—Tingnan ang BARAKIAS.

  • Zacarias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman ang pangalan ng ama ng Zacarias na ito ay Berekias, ang pagtukoy ni Jesus kay “Zacarias na anak ni Barakias” (Mat 23:35; pansinin ang pagkakaiba ng baybay) ay mas malamang na tumutukoy sa isang mataas na saserdote na nabuhay noong mas maagang panahon.​—Tingnan ang Blg. 12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share