-
HudasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hindi tinatalakay ng Bibliya nang detalyado ang mga motibo ng kaniyang masamang landasin, ngunit isang insidente na nangyari noong Nisan 9, 33 C.E., limang araw bago mamatay si Jesus, ang nagbibigay-liwanag sa bagay na ito. Sa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, si Jesus ay pinahiran ni Maria, na kapatid ni Lazaro, ng mabangong langis na nagkakahalaga ng 300 denario, mga isang-taóng kabayaran ng isang trabahador. (Mat 20:2) Mariing tumutol si Hudas na ang langis ay naipagbili sana at ang salapi ay “ibinigay sa mga taong dukha.” Lumilitaw na sumang-ayon lamang ang ibang mga apostol sa isang waring makatuwirang punto, ngunit sinaway sila ni Jesus.
-