-
SantiagoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Waring ang kaniyang ina ay si Salome, gaya ng mapapansin kung paghahambingin ang dalawang ulat ng iisang pangyayari. Ang isa ay bumabanggit ng “ina ng mga anak ni Zebedeo,” tinatawag naman siya sa isa pa na “Salome.” (Mat 27:55, 56; Mar 15:40, 41; tingnan ang SALOME Blg. 1.)
-
-
SantiagoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
3. Isa pang apostol ni Jesu-Kristo at anak ni Alfeo. (Mat 10:2, 3; Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13) Karaniwang pinaniniwalaan at malaki ang posibilidad na si Alfeo ay si Clopas din, at kung magkakagayon, ang ina ni Santiago ay si Maria, ang Maria rin na “ina ni Santiago na Nakabababa at ni Joses.” (Ju 19:25; Mar 15:40; Mat 27:56) Maaaring tinawag siyang Santiago na Nakabababa dahil sa siya ay alinman sa mas maliit sa pisikal na tindig o mas nakababata kaysa sa isa pang apostol na si Santiago, na anak ni Zebedeo.
-