-
AserKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Gayunman, sa hula ng kaniyang ama nang ito’y mamamatay na, pinangakuan si Aser ng buhay na sagana sa masusustansiyang pagkain (Gen 49:20), at pinatutunayan ng kasaysayan ng kaniyang mga inapo na natupad ang hulang iyon.
-
-
AserKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang teritoryong itinakda sa kanila ay sumasaklaw sa mga baybaying kapatagan ng Mediteraneo mula sa ibaba ng bayan ng Dor, sa T ng Bundok Carmel, paitaas sa H hangganan ng Palestina sa Sidon. (Jos 17:7-11; 19:24-31) Kasama rito ang ilan sa pinakamatatabang lupain sa buong Israel, kung saan ang mga punong olibo ay naglalaan ng saganang langis, samantalang ang ibang mga prutas naman ay naglalaan ng masasarap na pagkain na angkop ihain sa mesa ng hari. (Gen 49:20; Deu 33:24)
-