-
Pag-eembalsamoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kaya inembalsamo ng mga manggagamot si Israel, at gumugol sila ng buong apatnapung araw para sa kaniya, sapagkat ganito karaming araw ang kaugalian nilang gugulin sa pag-eembalsamo, at ang mga Ehipsiyo ay patuloy pang nanangis para sa kaniya nang pitumpung araw.” (Gen 50:2, 3)
-
-
Pag-eembalsamoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa kaso ni Jacob, lumilitaw na ang pangunahing layunin ng pag-eembalsamo ay upang mapreserba siya hanggang sa siya’y mailibing sa Lupang Pangako.
-
-
Pag-eembalsamoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ayon kay Herodotus, kasama sa pamamaraan ng pag-eembalsamo ng mga Ehipsiyo ang paglalagay sa bangkay sa substansiyang natron sa loob ng pitumpung araw. Gayunman, nang embalsamuhin si Jacob ng mga manggagamot na Ehipsiyo noong sinaunang panahon, sinasabi ng Bibliya na “gumugol sila ng buong apatnapung araw para sa kaniya, sapagkat ganito karaming araw ang kaugalian nilang gugulin sa pag-eembalsamo, at ang mga Ehipsiyo ay patuloy pang nanangis para sa kaniya nang pitumpung araw.” (Gen 50:3) Gumawa ng iba’t ibang pagsisikap ang mga iskolar upang pagtugmain ang Genesis 50:3 at ang mga salita ni Herodotus. Una sa lahat, maaaring hindi kasama sa 40 araw ang panahon ng paglulubog sa bangkay sa natron. Subalit posible ring nagkamali lamang si Herodotus nang sabihin niya na ang bangkay ay inilalagay sa natron sa loob ng 70 araw. Nang maglaon, sinabi ng Griegong istoryador na si Diodorus Siculus (ng unang siglo B.C.E.) na ang Ehipsiyong proseso ng pag-eembalsamo ay tumatagal nang mahigit sa 30 araw. (Diodorus of Sicily, I, 91, 5, 6) Sabihin pa, maaaring may mga hakbang sa pag-eembalsamo ang mga Ehipsiyo na hindi tinalakay ng mga istoryador na ito, at posible na sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan ay iba-iba ang haba ng mga proseso ng pag-eembalsamo.
-