Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Betania”
  • Betania

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Betania
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Sa Betania, sa Bahay ni Simon
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Sa Betania, sa Bahay ni Simon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Hapunan sa Bahay ni Simon sa Betania
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Betfage, Bundok ng mga Olibo, at Jerusalem
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Betania”

BETANIA

1. Isang nayon na “mga tatlong kilometro” ang layo mula sa Jerusalem. Ang sukat na ginamit noon ng manunulat ng Ebanghelyo ay ang Romanong estadyo, anupat ang “labinlimang estadyo” na binanggit niya ay katumbas ng mga 2.8 km (1.7 mi). (Ju 11:18, tlb sa Rbi8) Ito ay nasa S dalisdis ng Bundok ng mga Olibo sa isang sinaunang daanan patungong Jerusalem mula sa Jerico at sa Jordan. (Mar 10:46; 11:1; Luc 19:29) Sa ngayon ay makikita sa lugar na ito ang maliit na nayon ng el-ʽAzariyeh (El ʽEizariya), isang pangalang Arabe na nangangahulugang “ang Lugar ni Lazaro,” na 2.5 km (1.5 mi) sa STS ng Temple Mount.​—LARAWAN, Tomo 2, p. 950.

Kung paanong ang Capernaum ang tirahan ni Jesus sa Galilea (Mar 2:1), ang Betania naman ang matatawag na tirahan niya sa Judea. Ito ang nayon na dinalaw ni Jesus noong panahon ng kaniyang ministeryo sa Judea nang dakong huli (mga Oktubre hanggang Disyembre, 32 C.E.), ang kinaroroonan ng tahanan nina Marta, Maria, at Lazaro, na minamahal na mga kaibigan ni Jesus. (Luc 10:38) Nang maglaon, gumawa ng himala si Jesus sa lugar na ito nang buhayin niyang muli si Lazaro.​—Ju 11:1, 38-44.

Anim na araw bago ang huling Paskuwa ni Jesus (habang nagsisimula ang lingguhang Sabbath noong Nisan 8, 33 C.E.), si Jesus ay dumating sa Betania. (Ju 12:1) Pagkatapos ng Sabbath (samakatuwid nga, noong pasimula ng Nisan 9), naghapunan siya sa tahanan ni Simon na ketongin, kasama sina Marta, Maria, at Lazaro. Dito naganap ang pagpapahid sa kaniya ni Maria ng mamahaling langis at ang pagsaway ni Jesus kay Hudas dahil sa paimbabaw nitong pagtutol sa ginawa ni Maria. (Mat 26:6-13; Mar 14:3-9; Ju 12:2-8) Nang panahon ding ito ay nabalitaan na ng mga tao sa Jerusalem na si Jesus ay nasa kalapit na Betania, at yamang tapos na ang Sabbath, isang malaking pulutong ng mga Judio ang dumagsa roon upang makita siya at ang binuhay-muling si Lazaro. (Ju 12:9) Nang sumunod na araw (Nisan 9 pa rin) ay naganap ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, maliwanag na dumaraan sa Bundok ng mga Olibo sa daan na mula sa Betania. (Mat 21:1-11; Mar 11:1-11; Luc 19:29-38) Noong Nisan 10 ay patungo si Jesus sa Jerusalem mula sa Betania nang sumpain niya ang hindi namumungang puno ng igos, na lubusan nang natuyot noong panahong dumaan siya at ang kaniyang mga alagad nang sumunod na araw (Nisan 11).​—Mar 11:12-14, 19, 20.

Noong huling mga araw ng kaniyang buhay sa lupa, ginugugol ni Jesus ang maghapon sa kaniyang mga gawain sa Jerusalem, ngunit sa gabi ay nililisan niya at ng kaniyang mga alagad ang malaking lunsod upang manuluyan sa simpleng nayon ng Betania na nasa S dalisdis ng Bundok ng mga Olibo, tiyak na sa tahanan nina Marta, Maria, at Lazaro.​—Mar 11:11; Mat 21:17; Luc 21:37.

Apatnapung araw matapos buhaying-muli si Jesus, nang kailangan na niyang iwan ang kaniyang mga alagad, dinala niya sila, hindi sa templong pinabayaan na noon ng Diyos kundi ‘sa labas hanggang sa Betania’ sa Bundok ng mga Olibo, kung saan siya nagsimulang umakyat sa langit.​—Luc 24:50-53; Gaw 1:9-12.

Naniniwala ang karamihan na ang Benjamitang lunsod ng Anania (Ne 11:32) ang sinaunang lugar na katumbas ng nayon ng Betania noong mga araw ni Jesus.

2. Ang Betania sa kabila ng Jordan ay minsan lamang binanggit, bilang ang lugar kung saan nagbautismo si Juan. (Ju 1:28) Lumilitaw na dito rin niya ipinakilala si Jesus sa kaniyang mga alagad bilang “ang Kordero ng Diyos.” (Ju 1:35, 36) Noong ikatlong siglo, inihalili ni Origen ang pangalang Bethabara sa Betania, at sinunod ng King James Version ang saling ito; gayunman, Betania ang mababasa sa pinakamapananaligang mga manuskrito. Hindi alam kung saan sa ibayo o S ng Jordan matatagpuan ang lugar na ito. Palibhasa’y mas pabor ang ilan sa tradisyonal na lokasyon ng pinagbautismuhan kay Jesus, ipinapalagay nila na ito ay nasa kabila ng Jordan sa tapat ng Jerico. Gayunman, waring ipinahihiwatig ng ulat sa Juan 1:29, 35, 43; 2:1 na ang Betaniang ito ay isang lugar na mas malapit sa Galilea; samantalang maaaring ipinahihiwatig ng ulat sa Juan 10:40 at 11:3, 6, 17 na ito ay mga dalawang araw na paglalakbay mula sa Betania na tahanan ni Lazaro. Kaya naman malamang na ito ay isang lugar sa T ng Dagat ng Galilea, ngunit hindi posibleng matukoy ang eksaktong lokasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share