Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkabuhay-muli
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ibinigay ni Jesus ang nakaaaliw na katiyakang ito sa sangkatauhan: “Ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at yaong mga nagbigay-pansin ay mabubuhay. . . .

  • Pagkabuhay-muli
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ju 5:25

  • Pagkabuhay-muli
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang “mga patay” na nakarinig sa pagsasalita ni Jesus sa lupa. Kung isasaalang-alang ang mga sinabi ni Jesus, mapapansin natin na nang magsalita siya, may “mga patay” na nakarinig sa kaniyang tinig. Gumamit si Pedro ng kahawig na pananalita nang sabihin niya: “Sa katunayan, sa layuning ito ipinahayag din sa mga patay ang mabuting balita, upang sila ay mahatulan ayon sa laman mula sa pangmalas ng mga tao ngunit mabuhay ayon sa espiritu mula sa pangmalas ng Diyos.” (1Pe 4:6) Ito’y dahil yaong mga nakarinig kay Kristo ay dating ‘patay sa mga pagkakamali at mga kasalanan’ bago sila makarinig ngunit magsisimula silang ‘mabuhay’ sa espirituwal dahil sa kanilang pananampalataya sa mabuting balita.​—Efe 2:1; ihambing ang Mat 8:22; 1Ti 5:6.

      Ang Juan 5:29 ay tumutukoy sa katapusan ng panahon ng paghatol. Upang matiyak ang kung aling panahon ang tinutukoy ng mga salita ni Jesus tungkol sa ‘pagkabuhay-muli sa buhay at pagkabuhay-muli sa paghatol,’ mahalagang pansinin yaong una niyang sinabi hinggil sa paksa ring iyon. Tinukoy niya yaong mga nabubuhay noon ngunit patay sa espirituwal (na ipaliliwanag sa ilalim ng subtitulong ‘Pagtawid Mula sa Kamatayan Tungo sa Buhay’): “Ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at yaong mga nagbigay-pansin [sa literal, salita por salita, “yaong mga nakinig”] ay mabubuhay.” (Ju 5:25, Int) Ipinahihiwatig nito na hindi lamang yaong aktuwal na nakarinig ng kaniyang tinig ang tinutukoy niya kundi, sa halip, yaong mga “nakinig,” samakatuwid nga, yaong mga matapos makinig ay tinanggap ang kanilang napakinggan bilang katotohanan. Sa Bibliya, ang mga terminong “makinig” at “pakinggan” ay malimit gamitin sa diwang “magbigay-pansin” o “sumunod.” (Tingnan ang PAGKAMASUNURIN.) Yaong mga masunurin ay mabubuhay. (Ihambing ang paggamit sa terminong Griego rin na iyon [a·kouʹo], “makinig” o “pakinggan,” sa Ju 6:60; 8:43, 47; 10:3, 27.) Hinahatulan sila, hindi batay sa ginawa nila bago nila marinig ang kaniyang tinig, kundi batay sa ginawa nila pagkatapos nilang marinig iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share