Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Dorcas”
  • Dorcas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dorcas
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Minahal ng Marami si Dorcas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Tabita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Jope
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jope
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Dorcas”

DORCAS

[Gasela].

Isang babaing Kristiyano sa kongregasyon ng Jope na nanagana sa “mabubuting gawa at mga kaloob ng awa,” maliwanag na kasama rito ang paggawa ng panloob at panlabas na mga kasuutan para sa nagdarahop na mga babaing balo. (Gaw 9:36, 39) Ang “Dorcas” ay katumbas ng Aramaikong “Tabita,” mga pangalan na kapuwa nangangahulugang “Gasela.” Posibleng kilala si Dorcas sa dalawang pangalang ito, yamang pangkaraniwan noon sa mga Judio, lalo na yaong mga naninirahan sa isang daungang-dagat na gaya ng Jope na may populasyong Judio at Gentil, na magkaroon ng isang pangalang Hebreo at isang pangalang Griego o Latin. O, marahil ay isinalin ni Lucas ang pangalan para sa mga mambabasang Gentil. Si Dorcas ang tanging babaing binanggit sa Kasulatan na tinukoy sa anyong pambabae ng salitang “alagad.” Gayunman, hindi ito nangangahulugan na humawak siya ng pantanging posisyon sa kongregasyon, sapagkat lahat ng Kristiyano ay alagad ni Jesu-Kristo. (Mat 28:19, 20) Bagaman ang kaniyang kamatayan noong 36 C.E. ay naging dahilan ng labis na pagtangis ng mga babaing balo na lumilitaw na nakinabang nang malaki sa ipinakita niyang kabaitan, walang binanggit na asawang lalaki na nagdalamhati anupat ipinahihiwatig nito na walang asawa si Dorcas noong panahong iyon.

Nang mamatay siya, inihanda siya ng mga alagad sa Jope para ilibing ngunit nang malaman nilang si Pedro ay nasa Lida, mga 18 km (11 mi) sa TS ng Jope, ipinatawag nila ito. Tiyak na nabalitaan nilang pinagaling ni Pedro roon ang paralitikong si Eneas, at ito marahil ang dahilan kung bakit inisip nila na maaaring buhaying-muli ng apostol si Dorcas. O maaaring naghahanap lamang sila ng kaaliwan mula kay Pedro.​—Gaw 9:32-38.

Katulad ng ginawa ni Jesus noong buhayin niyang muli ang anak na babae ni Jairo (Mar 5:38-41; Luc 8:51-55), pinaalis ni Pedro ang lahat niyaong nasa itaas na silid, nanalangin siya at saka sinabi: “Tabita, bumangon ka!” Idinilat ni Dorcas ang kaniyang mga mata, umupo, at inabot ang kamay ni Pedro upang tumindig. Ito ang unang iniulat na pagkabuhay-muli na isinagawa ng isang apostol, na naging dahilan upang marami sa buong Jope ang maging mananampalataya.​—Gaw 9:39-42.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share