Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Hermes”
  • Hermes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hermes
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Hermes
    Glosari
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Zeus
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Lakas-Loob na Nagsalita Dahil sa Awtoridad na Ibinigay ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Hermes”

HERMES

1. Isa sa mga Kristiyano sa kongregasyon sa Roma na pinadalhan ni Pablo ng personal na mga pagbati.​—Ro 16:14.

2. Isang diyos ng mga Griego. Siya’y anak ni Zeus kay Maia at iniuugnay ng mga Romano sa kanilang diyos ng komersiyo na si Mercury. Si Hermes ay itinuring na mensahero ng mga diyos. Pinaniniwalaan na siya ang pantas na tagapayo ng mga bayani at na siya ang diyos ng komersiyo, mahusay na pagsasalita, kasanayan sa gymnastics, pagtulog, at mga panaginip. Sinasabing ginagabayan ng diyos na ito hindi lamang ang mga buháy kundi inihahatid din niya sa Hades ang mga patay.

Noong nasa Listra ang apostol na si Pablo, nakita ng mga tagaroon na pinagaling niya ang isang lalaking pilay mula pa nang ipanganak ito. Dahil dito, sinabi nila na si Pablo ay ang diyos na si Hermes, yamang si Pablo ang “nangunguna sa pagsasalita.” (Gaw 14:8-13) Ang pag-uugnay na ito ay dahil sa kanilang paniniwala na si Hermes ay isang mensahero ng mga diyos at isang diyos ng mahusay na pagsasalita. Si Hermes ay sinamba ng mga taga-Listra at ipinakikita ito ng isang inskripsiyong natagpuan sa lugar na iyon noong 1909: “Si Toues Macrinus na tinatawag ding Abascantus at si Batasis na anak ni Bretasis, alinsunod sa isang panata at sa sarili nilang gastos, ay gumawa ng [isang estatuwa ni] Hermes na Pinakadakila at ng isang sun-dial, pagkatapos ay inialay ito kay Zeus na diyos-araw.”​—The International Standard Bible Encyclopaedia, inedit ni J. Orr, 1960, Tomo III, p. 1944.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share