-
FiliposKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan, maliwanag na kabilang ang kanilang mananalaysay na si Lucas, ay nanatili roon nang ilang araw, at noong Sabbath ay “pumaroon [sila] sa labas ng pintuang-daan sa tabi ng isang ilog,” kung saan, ayon sa salaysay ni Lucas, “iniisip naming may dakong panalanginan.” Ipinapalagay ng iba na walang sinagoga sa Filipos, dahil sa pangmilitar na kapaligiran ng lunsod—anupat ang mga Judio roon ay maaaring pinagbawalang magtipon sa loob ng lunsod para sa pagsamba.
-