-
LydiaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
LYDIA
Ang babaing ito at ang kaniyang sambahayan ay kabilang sa mga unang tao sa Europa na tumanggap sa Kristiyanismo bilang resulta ng gawain ng apostol na si Pablo sa Filipos noong mga 50 C.E. Noong una ay naninirahan siya sa Tiatira, isang lunsod sa Asia Minor na kilalá sa industriya nito ng pagtitina. Nang maglaon, sa Filipos sa Macedonia, si Lydia ay nagtinda ng purpura, alinman sa pantina o ang mga kasuutan at mga kayo na kinulayan nito. Lumilitaw na siya ang ulo ng kaniyang sambahayan (maaaring kabilang dito ang mga alipin at mga lingkod), at samakatuwid, posibleng siya ay nabalo o walang asawa.—Gaw 16:14, 15.
Yamang “isang mananamba ng Diyos,” malamang na si Lydia ay isang proselitang Judio. Maaaring kakaunti lamang ang mga Judio sa Filipos at walang sinagoga roon anupat noong araw ng Sabbath, siya at ang iba pang taimtim na mga babae ay nagkakatipon sa tabi ng isang ilog sa labas ng lunsod. Nang mangaral ang apostol na si Pablo sa mga babaing ito, si Lydia ay nakinig na mabuti.
-