Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Manggagawa ng Tolda”
  • Manggagawa ng Tolda

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manggagawa ng Tolda
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Aquila at Priscila—Isang Ulirang Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Aquila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Patuloy Kang Magsalita at Huwag Kang Manahimik”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Manggagawa ng Tolda”

MANGGAGAWA NG TOLDA

Isang tao na gumagawa o nagkukumpuni ng mga tolda. Sa Gawa 18:3, tinukoy ang hanapbuhay nina Pablo, Aquila, at Priscila sa pamamagitan ng terminong Griego na ske·no·poi·osʹ. Iba’t ibang opinyon ang inihaharap tungkol sa eksaktong uri ng bihasang manggagawa na tinutukoy ng salitang ito (kung ito ba’y manggagawa ng tolda, manghahabi ng tapestri, o manggagawa ng lubid); gayunman, kinikilala ng maraming iskolar na “waring walang dahilan upang lumayo pa sa saling ‘mga manggagawa ng tolda.’⁠”​—The Expositor’s Greek Testament, inedit ni W. Nicoll, 1967, Tomo II, p. 385.

Noong unang dumalaw si Pablo sa Corinto, nakipanuluyan siya kina Aquila at Priscila “dahil magkatulad ang kanilang hanapbuhay.” (Gaw 18:1-3) Ang apostol na si Pablo ay mula sa Tarso sa Cilicia, isang lugar na kilala dahil sa tela nito na yari sa balahibo ng kambing, tinatawag na cilicium at ginagamit sa paggawa ng tolda. (Gaw 21:39) Para sa mga Judio noong unang siglo C.E., itinuturing na marangal na turuan ng isang hanapbuhay ang isang batang lalaki kahit tatanggap pa ito ng mas mataas na edukasyon. Kaya malamang na nagkaroon si Pablo ng karanasan sa paggawa ng mga tolda noong kabataan pa siya. Maaaring paggawa rin ng tolda ang naging trabaho ng apostol sa Tesalonica (1Te 2:9; 2Te 3:8) at sa iba pang mga lugar. (Gaw 20:34, 35; 1Co 4:11, 12) Hindi madali ang trabahong ito, sapagkat iniuulat na medyo matigas at magaspang ang cilicium, kaya naman mahirap itong tabasin at tahiin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share