-
LamanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sinasabi rin sa atin ng apostol na si Pablo na ang Kautusang ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises ay ‘mahina dahil sa laman,’ ang di-sakdal na laman niyaong mga nasa ilalim ng Kautusan. Ang Kautusan na sa ilalim niyaon naglingkod ang Aaronikong pagkasaserdote ay espirituwal, anupat mula sa Diyos, ngunit sa pamamagitan nito, ang mga taong makalaman na “ipinagbili sa ilalim ng kasalanan” ay hinatulan, sa halip na ipahayag na matuwid. (Ro 8:3; 7:14; Heb 7:28) Ang mga mataas na saserdoteng mula sa linya ni Aaron sa laman, na inatasan ng Kautusan, ay hindi nakapagbigay ng nararapat na hain para sa kasalanan.—Heb 7:11-14, 23; 10:1-4.
-
-
LamanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pinatunayan ni Jehova na maaaring maging walang-kasalanan ang laman ng tao. “Ang Diyos, sa pamamagitan ng pagsusugo ng kaniyang sariling Anak sa wangis ng makasalanang laman at may kinalaman sa kasalanan, ay humatol sa kasalanan sa laman.” (Ro 8:3)
-