Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsisiwalat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • ang “pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos” (Ro 8:19)

  • Pagsisiwalat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagsisiwalat sa mga Anak ng Diyos. Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, sinabi ng apostol na si Pablo na ang “mga anak” ng Diyos ay yaong mga tumanggap ng espiritu ng pag-aampon. Bilang mga kasamang tagapagmana ni Kristo, ang mga anak na ito ng Diyos ay luluwalhatiin. (Ro 8:14-18) Babaguhin ng Panginoong Jesu-Kristo ang kanilang abang katawan upang maiayon ito sa kaniyang maluwalhating katawan (Fil 3:20, 21), at mamamahala silang kasama niya bilang mga hari. (2Ti 2:12) Kaya ang “pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos” ay tumutukoy sa panahon kapag naging maliwanag na niluwalhati na sila at naghahari na silang kasama ni Kristo Jesus. Napakaringal ng kaluwalhatiang isisiwalat sa kanila anupat magiging walang anuman ang lahat ng pagdurusang dinanas nila sa lupa. (Ro 8:18, 19) Ang pagsisiwalat na ito ay magdudulot ng dakilang mga pagpapala, sapagkat ganito ang isinulat ng apostol na si Pablo: “Ang sangnilalang din mismo ay palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.”​—Ro 8:21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share