-
Sistema ng mga Bagay, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ganito ang isinulat ng apostol sa mga Kristiyanong nasa Roma: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” (Ro 12:2) Hindi ang mismong yugto ng panahon ang nagtatakda ng parisan, o modelo para sa mga tao ng panahong iyon, kundi ang mga pamantayan, mga kaugalian, mga asal, mga kostumbre, mga paraan, pangmalas, istilo, at iba pang mga katangiang pagkakakilanlan ng yugtong iyon ng panahon.
-
-
Sistema ng mga Bagay, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bilang komento sa Roma 12:2, ganito ang sabi ng The Expositor’s Greek Testament (Tomo II, p. 688): “Kahit ang tila o pakunwaring pag-ayon sa isang sistemang kontrolado ng gayong espiritu, lalo na ang aktuwal na pagtanggap sa mga pamamaraan nito, ay nakamamatay sa buhay Kristiyano.” Ang makasanlibutang ai·onʹ na iyon ay magpapatuloy pa nang mahabang panahon pagkatapos ng mga araw ng apostol.
-