-
Nakatataas na mga AwtoridadKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Mga Dahilan Upang Magpasakop ang mga Kristiyano. Samantalang walang dahilan upang salansangin ng mga Kristiyano ang isang kaayusang ipinahintulot ng Diyos, may mabuting dahilan upang magpasakop sila sa nakatataas na mga awtoridad. Karaniwan na, ang mga pinuno sa pamahalaan, bagaman maaaring tiwali, ay hindi nagpaparusa sa iba dahil sa paggawa ng mabuti, samakatuwid nga, dahil sa pagsunod sa batas ng lupain. Ngunit ang isang tao na nagnanakaw, pumapaslang, at gumagawa ng iba pang mga gawang tampalasan ay tatanggap ng di-kaayaayang hatol mula sa namamahalang awtoridad.
-