-
TaoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkatapos ay sinabi niya: “Gayunman, ang taong espirituwal ay talagang nagsusuri sa lahat ng bagay, ngunit siya mismo ay hindi sinusuri ng sinumang tao.” Ang taong espirituwal ay may unawa hinggil sa mga bagay na isinisiwalat ng Diyos. Nakikita rin niya ang maling kalagayan at landasin ng taong pisikal. Ngunit ang kalagayan, mga pagkilos, at landasin sa buhay ng taong espirituwal ay hindi mauunawaan ng taong pisikal, ni mahahatulan man ng sinumang tao ang taong espirituwal, sapagkat ang Diyos lamang ang kaniyang Hukom. (Ro 14:4, 10, 11; 1Co 4:3-5)
-