-
PagkauloKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang talakayin ng apostol na si Pablo ang kaayusan sa pagkaulo sa loob ng kongregasyong Kristiyano, ipinaliwanag niya na kung ang babae ay mananalangin o manghuhula sa kongregasyon, anupat gaganap ng isang posisyon na iniatas ng Diyos sa lalaki, dapat siyang maglagay ng talukbong sa ulo. Sa pansamantalang pagganap niya sa mga bagay na ito dahil sa walang naaalay na lalaking Kristiyano na gagawa ng mga ito, hindi dapat ipangatuwiran ng babae na sapat na ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok upang ipakita ang kaniyang pagpapasakop. Sa halip, dapat na ang sarili niyang mga pagkilos ang magpamalas ng kaniyang pagpapasakop at ng kaniyang pagkilala sa pagkaulo ng lalaki.
-