Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • hindi gumagawi nang hindi disente, hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi napupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala.

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • 1Co 13:4

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pag-ibig ay “hindi gumagawi nang hindi disente.” Hindi ito nagpapakita ng masamang asal. Hindi ito nasasangkot sa di-disenteng paggawi, gaya ng seksuwal na pang-aabuso o nakagigitlang asal. Hindi ito bastos, mahalay, walang-modo, walang-pakundangan, magaspang, o walang-galang sa kaninuman. Iniiwasan ng isang taong may pag-ibig ang paggawa ng mga bagay na makababagabag sa kaniyang mga kapatid na Kristiyano, sa panlabas na kaanyuan man o sa mga pagkilos. Tinagubilinan ni Pablo ang kongregasyon sa Corinto: “Maganap ang lahat ng bagay nang disente at ayon sa kaayusan.” (1Co 14:40) Inuudyukan din ng pag-ibig ang isa na lumakad nang marangal sa paningin ng iba na hindi mga mananampalatayang Kristiyano.​—Ro 13:13; 1Te 4:12; 1Ti 3:7.

      Ang pag-ibig ay “hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan.” Sinusunod nito ang simulain: “Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao.” (1Co 10:24) Dito makikita ang pagkabahala ng isa sa walang-hanggang kapakanan ng iba. Ang taimtim na pagkabahalang ito sa iba ang isa sa pinakamalalakas na puwersang nag-uudyok sa pag-ibig at isa rin sa pinakamabibisa at may pinakakapaki-pakinabang na mga resulta. Hindi ipinipilit ng taong may pag-ibig na gawin ang lahat ng bagay ayon sa kaniyang paraan. Sinabi ni Pablo: “Sa mahihina, ako ay naging mahina, upang matamo ko ang mahihina. Ako ay naging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao, upang sa anumang paraan ay mailigtas ko ang ilan. Ngunit ginagawa ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mabuting balita, upang maging tagapamahagi ako nito sa iba.” (1Co 9:22, 23) Ni iginigiit man ng pag-ibig ang “mga karapatan” nito; higit na ikinababahala nito ang espirituwal na kapakanan ng ibang tao.​—Ro 14:13, 15.

      Ang pag-ibig ay “hindi napupukaw sa galit.” Hindi ito naghahanap ng pagkakataon o ng dahilan upang mapukaw sa galit. Hindi ito nauudyukang magpakita ng mga silakbo ng galit, na isang gawa ng laman. (Gal 5:19, 20) Ang isa na may pag-ibig ay hindi kaagad naghihinanakit sa sinabi o ginawa ng iba. Hindi siya nangangambang baka masaktan ang kaniyang personal na “dignidad.”

      Ang pag-ibig ay ‘hindi nagbibilang ng pinsala.’ (Sa literal, hindi nito “tinutuos ang masamang bagay”; Int.) Hindi nito itinuturing na ito’y napinsala at sa gayon ay itatala nito ang pinsalang iyon bilang isang bagay na ‘nasa mga aklat ng kuwenta,’ upang ayusin, o singilin, sa takdang panahon, samantala ay hindi maaaring magkaroon ng kaugnayan ang napinsala at ang nakapinsala. Magpapabanaag iyan ng isang mapaghiganting saloobin, na hinahatulan sa Bibliya. (Lev 19:18; Ro 12:19) Ang pag-ibig ay hindi nagpaparatang ng masasamang motibo sa iba kundi handa itong magpasensiya at magtiwalang walang masamang intensiyon ang kaniyang kapuwa.​—Ro 14:1, 5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share