Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • 1Co 13:4

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Hindi ito nagsasaya sa kalikuan, kundi nakikipagsaya sa katotohanan.

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pag-ibig ay ‘hindi nagsasaya sa kalikuan, kundi nakikipagsaya sa katotohanan.’ Ang pag-ibig ay nakikipagsaya sa katotohanan kahit salungat ito sa dating mga pinaniniwalaan o sa binitiwang mga pananalita. Nanghahawakan ito sa Salita ng Diyos na katotohanan. Lagi itong pumapanig sa tama, anupat hindi ito nalulugod sa kamalian, sa mga kasinungalingan, o sa anumang anyo ng kawalang-katarungan, sinuman ang biktima at ito man ay isang kaaway. Gayunman, kung ang isang bagay ay mali o nagliligaw, ang pag-ibig ay hindi natatakot na magsalita alang-alang sa katotohanan at sa kapakanan ng iba. (Gal 2:11-14) Gayundin, mas gusto pa nitong magtiis ng kamalian kaysa gumawa ng isa pang kamalian sa pagsisikap na ituwid ang suliranin. (Ro 12:17, 20) Ngunit kung ang isang tao ay may-kawastuang itinuwid ng isa na may awtoridad, ang taong maibigin ay hindi papanig, dahil lamang sa sentimyento, sa isa na pinarusahan ni hahanapan man niya ng pagkakamali ang pagtutuwid o ang isa na awtorisado na siyang nagsagawa ng pagtutuwid. Ang gayong pagkilos ay hindi pagpapakita ng pag-ibig sa indibiduwal na iyon. Maaaring matamo niya ang pabor niyaong isa na itinuwid, ngunit makapipinsala ito sa taong iyon sa halip na makatulong.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share