-
ParaisoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa maraming makahulang aklat ng Bibliya, matatagpuan ang mga pangako ng Diyos may kinalaman sa pagsasauli ng Israel mula sa mga lupaing pinagtapunan dito pabalik sa nakatiwangwang na sariling lupain nito. Pangyayarihin ng Diyos na ang pinabayaang lupaing iyon ay mabungkal at mahasikan, magbunga nang sagana, at magkaroon ng maraming tao at hayop; ang mga lunsod ay muling itatayo at tatahanan, at sasabihin ng mga tao: “Ang lupaing iyon na tiwangwang ay naging tulad ng hardin ng Eden.” (Eze 36:6-11, 29, 30, 33-35; ihambing ang Isa 51:3; Jer 31:10-12; Eze 34:25-27.) Gayunman, ipinakikita rin ng mga hulang ito na ang malaparaisong mga kalagayan ay may kaugnayan sa mga tao mismo, na dahil sa kanilang katapatan sa Diyos ay maaari na ngayong ‘sumibol’ at lumagong gaya ng mga “punungkahoy ng katuwiran,” anupat magtatamasa ng magandang espirituwal na kasaganaan tulad ng isang “hardin na nadidiligang mainam,” yamang pauulanan ito ng saganang pagpapala mula sa Diyos dahil natamo nito ang kaniyang pabor. (Isa 58:11; 61:3, 11; Jer 31:12; 32:41; ihambing ang Aw 1:3; 72:3, 6-8, 16; 85:10-13; Isa 44:3, 4.)
-
-
ParaisoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gayunman, maliwanag na kalakip sa mga hula ng pagsasauli na itinala ng mga propetang Hebreo ang mga elemento na magkakaroon din ng pisikal na katuparan sa isinauling makalupang Paraiso.
-