-
Taong TampalasanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Noong mga araw ng apostol na si Pablo, nagkaroon ng isang “hiwaga,” o isang relihiyosong lihim, tungkol sa pagkakakilanlan ng “taong tampalasan” na ito. Hanggang sa araw na ito, ang kaniyang pagkakakilanlan ay nababalot ng hiwaga sa isipan ng maraming tao, sapagkat ang kaniyang kabalakyutan ay isinasagawa sa likod ng balatkayo ng makadiyos na debosyon. (2Te 2:7)
-
-
Taong TampalasanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gumagana na noong panahon ng mga apostol. Sinabi ng apostol na si Pablo na ang hiwaga ay “gumagana na.” (2Te 2:7) May mga tao noon na nagsisikap na magturo ng huwad na doktrina, anupat nililigalig pa nga ng ilan sa mga ito ang kongregasyon ng Tesalonica, at isa ito sa mga dahilan kung bakit isinulat niya ang kaniyang ikalawang liham sa kanila. Mayroon nang mga antikristo nang isulat ni Juan ang kaniyang mga liham, at walang alinlangang bago pa niyaon. Tinukoy ni Juan “ang huling oras” ng kapanahunang apostoliko, at sinabi niya: “Gaya ng inyong narinig na ang antikristo ay darating, maging sa ngayon ay lumitaw na ang maraming antikristo . . . Sila ay lumabas mula sa atin, ngunit hindi natin sila kauri; sapagkat kung kauri natin sila, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit sila ay lumabas upang maipakita na hindi lahat ay kauri natin.”—1Ju 2:18, 19; tingnan ang ANTIKRISTO.
-