-
Sagradong LihimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Tunay nga, ang sagradong lihim ng makadiyos na debosyong ito ay kinikilalang dakila: ‘Siya [si Jesu-Kristo] ay nahayag sa laman, ipinahayag na matuwid sa espiritu, nagpakita sa mga anghel, ipinangaral sa gitna ng mga bansa, pinaniwalaan sa sanlibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.’”—1Ti 3:14-16.
-
-
Sagradong LihimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Inihula at inilarawan sa kinasihang Hebreong Kasulatan ang makadiyos na debosyon ni Jesu-Kristo. Sa loob ng maraming siglo mula nang hamunin ang soberanya ng Diyos at kuwestiyunin din ang katapatan ng tao, naging isang hiwaga, o “sagradong lihim,” kung mayroon bang makapag-iingat ng ganap, di-nagbabago, at walang-dungis na makadiyos na debosyon sa kabila ng panggigipit ng Diyablo. Sino, kung mayroon man, ang makatatagal sa ilalim ng pagsubok at makapananatiling lubusang malinis, walang kasalanan, at walang kapintasan sa kaniyang bukod-tanging debosyon kay Jehova? Kaugnay rin nito ang tanong na, Sino ang magiging ‘binhi ng babae’ na susugat sa ulo ng Serpiyente? Lubusan itong naisiwalat nang si Kristo ay ‘mahayag sa laman, ipahayag na matuwid sa espiritu, magpakita sa mga anghel, ipangaral sa gitna ng mga bansa, paniwalaan sa sanlibutan, tanggapin sa itaas sa kaluwalhatian.’ (1Ti 3:16; 6:16) Walang alinlangan na isa itong dakilang bagay. Ang napakahalagang tanong tungkol sa makadiyos na debosyon ay nakasentro sa iisang persona, si Jesu-Kristo. Napakadakila nga ng landasin ng makadiyos na debosyong tinahak ni Kristo! Kaylaking pakinabang ang dulot nito sa sangkatauhan at dinadakila nito ang pangalan ni Jehova!—Tingnan ang MAKADIYOS NA DEBOSYON.
-