-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gaya ng isinisiwalat ng iba’t ibang bahagi nito, ang espirituwal na templong ito ay ang kaayusan ng paglapit kay Jehova sa pagsamba salig sa pampalubag-loob na hain ni Jesu-Kristo.—Heb 9:2-10, 23.
-
-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga bahagi ng “tunay na tolda,” na siyang dakilang espirituwal na templo ng Diyos, ay umiiral na noong unang siglo C.E. Ipinakikita ito ng sinabi ni Pablo na ang tabernakulong itinayo ni Moises ay “isang ilustrasyon para sa takdang panahon na narito na ngayon,” samakatuwid nga, isang ilustrasyon para sa isang bagay na umiiral na noong sumusulat si Pablo. (Heb 9:9) Walang alinlangan na umiiral na ang espirituwal na templo ng Diyos nang iharap ni Jesus ang halaga ng kaniyang hain sa Kabanal-banalan nito, sa langit mismo. Sa katunayan, tiyak na nagpasimula itong umiral noong 29 C.E., nang si Jesus ay pahiran ng banal na espiritu upang maglingkod bilang dakilang Mataas na Saserdote ni Jehova.—Heb 4:14; 9:11, 12.
-