-
KalayaanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
May pagkakaiba ang limitadong kalayaan at ang pagkaalipin. Ang kalayaan sa loob ng bigay-Diyos na mga hangganan ay nagdudulot ng kaligayahan; samantala, ang pagkaalipin sa mga nilalang, sa di-kasakdalan, sa mga kahinaan, o sa maling mga ideolohiya ay nagdudulot ng paniniil at kalungkutan. Ang kalayaan ay naiiba rin sa pagsasarili, samakatuwid nga, ang pagwawalang-bahala sa mga batas ng Diyos at pagpapasiya para sa sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali. Humahantong ito sa panghihimasok sa mga karapatan ng iba at nagiging sanhi ng suliranin, gaya ng makikita sa mga epekto ng independiyente at mapaggiit-ng-sariling espiritu na inihasik kina Adan at Eva ng Serpiyente sa Eden. (Gen 3:4, 6, 11-19) Ang tunay na kalayaan ay nililimitahan ng batas, samakatuwid nga, ng batas ng Diyos, na nagpapahintulot naman na lubusang maipakita ng indibiduwal ang kaniyang kakanyahan sa wasto, nakapagpapatibay, at kapaki-pakinabang na paraan, at kumikilala sa mga karapatan ng iba, anupat nagdudulot ng kaligayahan sa lahat.—Aw 144:15; Luc 11:28; San 1:25.
-
-
KalayaanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Binanggit ni Santiago ang ‘pagmamasid sa sakdal na kautusan na nauukol sa kalayaan’ at itinawag-pansin niya na ang isa na hindi tagapakinig na malilimutin, kundi nananatili bilang isang tagatupad, ay magiging maligaya.—San 1:25.
-