-
PagsisiwalatKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo. “Ang pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo” at sa “kaniyang kaluwalhatian” ay panahon ng pagbibigay-gantimpala sa kaniyang tapat na mga tagasunod at paglalapat ng paghihiganti sa mga di-makadiyos. Sa gayo’y isisiwalat siya bilang maluwalhating Hari na pinagkalooban ng kapangyarihang magbigay ng gantimpala at magparusa. Ipinakikita ng Kasulatan na sa panahon ng pagkakasiwalat ng kaluwalhatian ni Kristo, ‘mag-uumapaw sa kagalakan’ ang pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano na may-katapatang nagbata ng pagdurusa. (1Pe 4:13) Ang subok na katangian ng kanilang pananampalataya ay masusumpungang isang dahilan ukol sa kapurihan at kaluwalhatian at karangalan sa panahon ng pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo, at ang mga Kristiyanong iyon ay tatanggap ng di-sana-nararapat na kabaitan. (1Pe 1:7, 13)
-