Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Juan Marcos ay nakasama rin ni Pedro sa Babilonya, sapagkat binanggit siya na nagpadala ng mga pagbati sa unang liham ng apostol (isinulat mga 62-64 C.E.). Tinawag siya ni Pedro na “Marcos na aking anak,” marahil ay nagpapahiwatig ng matibay na buklod ng Kristiyanong pagmamahal na umiral sa pagitan nila. (1Pe 5:13; ihambing ang 1Ju 2:1, 7.) Sa gayon, si Marcos, na minsang naging sanhi ng suliranin, ay nagtamo ng papuri at pagtitiwala ng mga prominenteng lingkod ng Diyos at nagtamasa ng mas malaking pribilehiyo ng pagiging kinasihan upang isulat ang isang ulat ng ministeryo ni Jesus.​—Tingnan ang JUAN Blg. 4; MARCOS, MABUTING BALITA AYON KAY.

  • Marcos, Mabuting Balita Ayon kay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pinagkunan ng Impormasyon. Ipinakikita ng sinaunang tradisyon na si Pedro ang naglaan ng saligang impormasyon para sa Ebanghelyo ni Marcos, at kasuwato ito ng bagay na si Marcos ay kasama ni Pedro sa Babilonya. (1Pe 5:13) Ayon kay Origen, isinulat ni Marcos ang kaniyang Ebanghelyo “alinsunod sa mga tagubilin ni Pedro.” (The Ecclesiastical History, Eusebius, VI, XXV, 3-7) Sa kaniyang akdang “Against Marcion” (IV, V), sinabi ni Tertullian na ang Ebanghelyo ni Marcos ay “masasabing talagang kay Pedro, na ang interprete ay si Marcos.” (The Ante-Nicene Fathers, Tomo III, p. 350) Inilahad ni Eusebius ang pananalita ni “Juan na presbitero” gaya ng pagkakasipi ni Papias (mga 140 C.E.): “At ganito ang sinasabi noon ng Presbitero, ‘Si Marcos ay naging interprete ni Pedro at may-katumpakan niyang isinulat ang lahat ng natatandaan niya, hindi nga ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga bagay na sinabi o ginawa ng Panginoon. . . . Hindi naman mali ang ginawa ni Marcos sa pagsulat nang gayon sa isahang mga punto ayon sa natatandaan niya. Sapagkat may isang bagay na binigyan niya ng pansin, na huwag kaligtaan ang anumang narinig niya at huwag maglagay ng maling mga pananalita sa mga iyon.’⁠”​—The Ecclesiastical History, III, XXXIX, 12-16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share