-
AntikristoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa gayon ay hindi niya nilimitahan ang paglitaw, pag-iral, at gawain ng gayong antikristo sa isang partikular na panahon sa hinaharap kundi ipinakita niya na ang antikristo ay umiiral na noon at patuloy pang iiral.—1Ju 4:3.
-
-
AntikristoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang pagkakaila kay Jesus bilang ang Kristo at ang Anak ng Diyos ay maaasahan lamang na sumasaklaw rin sa pagkakaila sa alinman o sa lahat ng maka-Kasulatang turo may kinalaman sa kaniya: ang pinagmulan niya, ang kaniyang dako sa kaayusan ng Diyos, ang pagtupad niya sa mga hula sa Hebreong Kasulatan bilang ang ipinangakong Mesiyas, ang kaniyang ministeryo at mga turo at hula, gayundin sa anumang pagsalansang sa kaniya o mga pagsisikap na halinhan siya sa kaniyang posisyon bilang ang Mataas na Saserdote at Hari na inatasan ng Diyos. Maliwanag na makikita ito sa iba pang mga teksto na bagaman hindi gumagamit ng terminong “antikristo” ay nagpapahayag din ng halos kaparehong ideya. Kaya naman sinabi ni Jesus: “Siya na wala sa panig ko ay laban sa akin, at siya na hindi natitipong kasama ko ay nangangalat.” (Luc 11:23)
-