-
BalaamKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Katulad din ito ng nangyari kay Cain, nang ipahayag ni Jehova ang kaniyang di-pagsang-ayon at kasabay nito’y pahintulutan niya itong gumawa ng personal na pasiya, alinman sa lisanin ang kaniyang masamang lakad o ituloy ang kaniyang balakyot na landasin. (Gen 4:6-8) Kaya gaya ni Cain, naging matigas ang ulo ni Balaam sa pagwawalang-bahala sa kalooban ni Jehova, at determinado siyang makamit ang kaniyang makasariling layunin. Sa kaso ni Balaam, ang kasakiman sa gantimpala ang bumulag sa kaniya sa pagiging mali ng kaniyang lakad, gaya ng isinulat ni Judas: ‘Sumugod si Balaam sa maling landasin dahil sa gantimpala.’
-