-
Laodicea, Mga Taga-LaodiceaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May malaking disbentaha ang lunsod na ito. Di-tulad ng karatig na lunsod ng Hierapolis na may maiinit na bukal na bantog sa mga katangian nitong nakapagpapagaling, at ng Colosas na mayroon namang nakarerepreskong malamig na tubig, ang Laodicea ay walang permanenteng suplay ng tubig. Mula sa malayu-layong distansiya, ang tubig ay kinailangang paraanin sa lagusan patungong Laodicea at malamang na malahininga na pagdating sa lunsod. Sa panimulang bahagi ng distansiyang ito, ang tubig ay pinadadaloy sa pamamagitan ng isang paagusan at pagkatapos, mas malapit sa lunsod, ay pinadaraan sa kubikong mga bloke ng bato na binutasan sa gitna at sinemento.
-
-
Laodicea, Mga Taga-LaodiceaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kinailangan nitong maging nakapagpapasigla sa init (ihambing ang Aw 69:9; 2Co 9:2; Tit 2:14) o nakapagpapaginhawa sa lamig (ihambing ang Kaw 25:13, 25), ngunit huwag manatiling malahininga.—Apo 3:14-22.
-