Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Laodicea, Mga Taga-Laodicea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Laodicea ay nagtamasa ng malaking kasaganaan bilang isang lunsod na may mga pagawaan at bilang isang sentro ng pagbabangko. Mahihiwatigan ang malaking kayamanan ng lunsod mula sa bagay na noong dumanas ito ng malaking pinsala dahil sa lindol noong naghahari si Nero, muli itong nakapagtayo nang hindi tumatanggap ng anumang pinansiyal na tulong mula sa Roma. (Annals ni Tacitus, XIV, XXVII) Ang makintab at maitim na lana ng Laodicea at ang mga kasuutang yari sa mga ito ay kilalang-kilala noon. Bilang sentro ng isang bantog na paaralan sa medisina, malamang na ang lunsod ding ito ang gumawa ng gamot sa mata na kilala bilang pulbos ng Frigia. Ang isa sa mga pangunahing bathala na pinapakundanganan sa Laodicea ay si Asclepius, isang diyos ng medisina.

  • Laodicea, Mga Taga-Laodicea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong panahong iyon, sa pagtatapos ng unang siglo C.E., walang gaanong maibibigay na komendasyon sa kongregasyon ng Laodicea. Bagaman mayaman ito sa materyal, dukha naman ito sa espirituwal. Sa halip na literal na ginto na ginagamit ng mga bangkero ng Laodicea, sa halip na mga kasuutang yari sa makintab at maitim na lana na gawa roon, sa halip na gamot sa mata na walang alinlangang ginawa ng mga manggagamot ng Laodicea, sa halip na kumukulo sa init at nakagagamot na tubig mula sa mga bukal ng karatig na Hierapolis, ang kongregasyon ng Laodicea ay nangangailangan ng ganitong mga bagay sa espirituwal na diwa. Nangangailangan ito ng “gintong dinalisay ng apoy” upang mapagyaman ang personalidad nito (ihambing ang 1Co 3:10-14; 1Pe 1:6, 7), puting panlabas na mga kasuutan upang mabigyan ito ng di-madurustang Kristiyanong kaanyuan na walang di-maka-Kristiyanong katangian na kahiya-hiyang tulad ng pisikal na kahubaran. (Ihambing ang Apo 16:15; 19:8.) Kinailangan itong mapahiran ng espirituwal na “pamahid sa mata” upang maalis ang pagkabulag nito sa katotohanan ng Bibliya at sa mga pananagutang Kristiyano. (Ihambing ang Isa 29:18; 2Pe 1:5-10; 1Ju 2:11.) Makabibili ito ng mga bagay na ito mula kay Kristo Jesus, ang isa na kumakatok sa pinto, kung magiliw nitong papapasukin at aasikasuhin si Jesus. (Ihambing ang Isa 55:1, 2.)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share