Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kirot ng Pagdaramdam, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang batang isinilang ay “isang anak na lalaki, isang lalaki, na magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal.” Sa kabila ng mga pagsisikap ng dragon na lamunin ito, “ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.” (Apo 12:1, 2, 4-6) Ipinahihiwatig ng pag-agaw ng Diyos sa anak na lalaking ito na tinatanggap ng Diyos ang bata bilang sarili niyang anak, kung paanong kaugalian noong sinaunang mga panahon na iharap ang isang bagong-silang na sanggol sa ama nito upang kaniyang tanggapin. (Tingnan ang KAPANGANAKAN.) Mangangahulugan ito na ang “babae” ay ang “asawa” ng Diyos, ang “Jerusalem sa itaas,” ang “ina” ni Kristo at ng kaniyang espirituwal na mga kapatid.​—Gal 4:26; Heb 2:11, 12, 17.

  • Kirot ng Pagdaramdam, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sino ang “anak na lalaki, isang lalaki” na ito? Sinasabing siya ay “magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal.” Inihula sa Awit 2:6-9 na gagawin ito ng Mesiyanikong Hari ng Diyos. Ngunit nang makita ni Juan ang pangitaing ito, mahabang panahon na ang lumipas mula nang ipanganak si Jesus sa lupa at mula noong siya ay mamatay at buhaying-muli. Samakatuwid, waring tinutukoy ng pangitain ang pagsilang ng Mesiyanikong Kaharian na nasa mga kamay ng Anak ng Diyos na si Jesu-Kristo, na nang maibangon mula sa mga patay ay “umupo sa kanan ng Diyos, na mula noon ay naghihintay hanggang sa mailagay ang kaniyang mga kaaway bilang tuntungan para sa kaniyang mga paa.”​—Heb 10:12, 13; Aw 110:1; Apo 12:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share