-
Hayop, Makasagisag na mgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang makita ni Juan ang hayop, sinabi sa kaniya na ang lima sa pitong hari na kinakatawanan ng pitong ulo ay bumagsak na, samantalang ang isa ay umiiral noong panahong iyon, at ang ikapito ay hindi pa dumarating. Ang kulay-iskarlatang hayop mismo ay ikawalong hari ngunit nagmula sa pitong nauna.
-
-
Hayop, Makasagisag na mgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ikinakapit ng ilang iskolar ang pangitaing ito sa paganong Roma, at ang pitong ulo naman sa pitong emperador ng Roma, na sinundan ng ikawalong emperador. Gayunman, hindi sila magkasundo kung sinu-sinong emperador ang dapat isama. Sa Bibliya, tatlong Romanong emperador lamang ang tinukoy sa kanilang pangalan, anupat ang ikaapat (si Nero) ay binanggit sa titulong “Cesar.” Ipinapalagay naman ng ibang mga iskolar na ang “mga ulo” o “mga hari” ay kumakatawan sa mga kapangyarihang pandaigdig, gaya sa aklat ng Daniel. Kapansin-pansin na bumanggit ang Bibliya ng limang kapangyarihang pandaigdig sa Hebreong Kasulatan, samakatuwid nga, ang Ehipto, Asirya, Babilonya, Medo-Persia, at Gresya, samantalang binanggit naman sa Griegong Kasulatan ang ikaanim, ang Roma, na namamahala noong mga araw ni Juan. Ang ikapitong ‘hari’ ay hindi pinangalanan, at makatuwiran lamang iyon sapagkat hindi pa ito lumilitaw noong panahong isulat ni Juan ang Apocalipsis. Ang ikawalong hari, ang makasagisag na hayop na iskarlata, ay waring kombinasyon ng pitong ulong iyon at nagmula rin sa mga iyon.
-