Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Araw, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • ARAW, II

      [sa Ingles, day].

      Pinasimulan ng Diyos na Jehova ang pangunahing dibisyon na ito ng panahon noong unang “araw” ng yugto nang inihahanda niya ang lupa para sa sangkatauhan, kung kailan maliwanag na tumagos sa mga suson ng ulap ang kalát na liwanag, anupat dahil dito, ang lupang nababalutan ng halumigmig ay nakaranas ng kauna-unahang araw at gabi nito habang umiinog ito sa kaniyang axis at tinatamaan ng liwanag ng araw. “Pinaghiwalay ng Diyos ang liwanag at ang kadiliman. At pinasimulan ng Diyos na tawaging Araw ang liwanag, ngunit ang kadiliman ay tinawag niyang Gabi.” (Gen 1:4, 5) Dito, ang salitang “Araw” ay tumutukoy sa mga oras ng liwanag bilang kabaligtaran ng gabi. Ngunit pagkatapos nito, ginamit ng ulat ang salitang “araw” upang tumukoy sa iba pang mga yunit ng panahon na may iba’t ibang haba.

  • Araw, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Para sa mga Hebreo, ang isang araw ay nagsisimula sa gabi, pagkalubog ng araw, at nagtatapos kinabukasan sa paglubog ng araw. Kung gayon, ang saklaw ng isang araw nila ay mula sa gabi hanggang sa sumunod na gabi. “Mula sa gabi hanggang sa gabi ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.” (Lev 23:32) Sinusunod nito bilang parisan ang mga araw ng paglalang ni Jehova, gaya ng ipinakikita sa Genesis 1:5: “Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga, ang unang araw.”​—Ihambing ang Dan 8:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share