Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hardin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Hardin ng Eden. Sa buong kasaysayan, ang pinakabantog na hardin ay ang hardin ng Eden. Waring isa itong lugar na kulong, anupat walang alinlangang likas na mga harang ang nagsilbing mga hangganan nito. Ang hardin, na nasa “Eden, sa dakong silangan,” ay may isang pasukan sa silanganing panig nito. Pagkatapos na magkasala si Adan, dito inilagay ang mga kerubin at ang nagliliyab na talim ng tabak upang ang tao ay hindi makapasok sa hardin at makalapit sa punungkahoy ng buhay na nasa gitna nito. (Gen 2:8; 3:24)

  • Hardin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Bagaman hindi sinabi ng Bibliya kung gaano katagal nanatili ang mga kerubin upang bantayan ang daan patungo sa punungkahoy ng buhay, posibleng nagpatuloy ang kaayusang ito hanggang noong Baha, 1,656 na taon pagkaraang lalangin si Adan. Palibhasa’y hindi na naalagaan ni Adan, na pinalayas kasama ni Eva dahil sa kanilang pagsuway nang kumain sila mula sa ipinagbawal na punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, malamang na nasira na ang hardin. Anuman ang naging kalagayan, maaaring, pinakamatagal na, napawi ito sa pamamagitan ng Baha.​—Tingnan ang EDEN Blg. 1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share