-
Pagbabayad-sala, Araw ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang kambing na kinahulugan ng palabunot “para kay Jehova” ay inihahain bilang handog ukol sa kasalanan para sa bayan. (Lev 16:8-10) Pagkatapos ay dadalhin ng mataas na saserdote ang dugo ng kambing na para kay Jehova sa loob ng Kabanal-banalan, at doon ay gagamitin niya ito upang magbayad-sala para sa 12 di-makasaserdoteng tribo ng Israel. Gaya ng ginawa sa dugo ng toro, ang dugo ng kambing ay iwiwisik “sa takip at sa harap ng takip” ng Kaban.—Lev 16:15.
Sa gayunding paraan nagbabayad-sala si Aaron para sa dakong banal at sa tolda ng kapisanan.
-
-
Pagbabayad-sala, Araw ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Inihahain din noon ang kambing na para kay Jehova at iwiniwisik ang dugo nito sa harap ng Kaban na nasa Kabanal-banalan, para naman sa kapakinabangan ng di-makasaserdoteng mga tribo ng Israel. (Lev 16:15) Sa gayunding paraan, hindi lamang ang makasaserdoteng espirituwal na Israel ang nakikinabang sa iisang hain ni Jesu-Kristo, kundi pati ang sangkatauhan. Dalawang kambing ang kinailangan noon, sapagkat hindi posibleng ihain ang isang kambing at pagkatapos ay gamitin iyon upang dalhin ang mga kasalanan ng Israel.
-