-
Tanglaw, IlawanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
TANGLAW, ILAWAN
[sa Ingles, luminary].
Isang pinagmumulan ng liwanag; isang lampara; isang bagay sa kalangitan na nagbibigay ng liwanag sa planetang Lupa.
Inilalahad ng ulat ng Genesis na noong ikaapat na “araw” ng paglalang, pinangyari ng Diyos na “magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit.” (Gen 1:14, 19) Hindi nito ipinahihiwatig na noon lamang nagsimulang umiral ang liwanag (sa Heb., ʼohr), yamang ipinakikitang umiiral na iyon bago pa nito. (Gen 1:3) Ni sinasabi man nito na noong panahong iyon nilalang ang araw, buwan, at mga bituin. Ang unang talata ng Bibliya ay nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Gen 1:1) Sa gayon, ang langit pati ang mga bagay sa kalangitan, kasama ang araw, ay umiiral na sa loob ng di-matiyak na haba ng panahon bago pa nagsimula ang mga proseso at mga pangyayari na sinabing naganap sa loob ng anim na yugto ng paglalang na inilalarawan sa sumunod na mga talata ng unang kabanata ng Genesis.
-
-
Tanglaw, IlawanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ginawa sila sa layuning “paghiwalayin ang araw at ang gabi” at ‘magsilbing mga tanda at para sa mga kapanahunan at para sa mga araw at mga taon.’ Bukod pa sa pagiging mga palatandaan ng pag-iral at karingalan ng Diyos, sa pamamagitan ng kanilang mga galaw ay tinutulungan ng gayong mga tanglaw ang tao upang maitakda niya nang may katumpakan ang likas na mga kapanahunan, mga araw, at mga taon.—Gen 1:14-18; Aw 74:16; 148:3.
-